MANILA, Philippines- Opisyal na nagsimula ang temporary suspension ng rutang Alabang to Calamba ng Philippine National Railways (PNR) nitong July 2, ayon sa ulat nitong Lunes.
Ikinasa ng PNR management ang five-year suspension sa train line uoang bigyang-daan ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) project.
Ang NSCR project ay isang elevated train system na aabot ng 163 kilometro. Binubuo ito ng 40-kilometer line mula Tutuban, Manila patungong Malolos, Bulacan, at extensions nito—Malolos hanggang Clark, Pampanga, at Manila hanggang Calamba, Laguna. RNT/SA