Home NATIONWIDE BJ, pinakamabisang panlaban sa tag-init – DOH

BJ, pinakamabisang panlaban sa tag-init – DOH

108
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) sa publiko ang kahalagahan ng sapat na hydration at pagpapanatili ng electrolytes sa katawan kasabay ng matinding init ng panahon.

Ayon sa DOH, mahalaga sa tamang hydration, galaw ng muscles at maayos na paggana ng katawan ang electrolytes tulad ng sodium at potassium.

Bukod sa tubig, inirerekomenda ng ahensya ang pag-inom ng mga natural na pinagkukunan ng electrolytes gaya ng buko juice at tubig na may halong calamansi, lemon, o asin.

Pinapayuhan din ng DOH ang publiko na kumain ng mga prutas tulad ng pakwan, saging, orange, at singkamas upang makatulong sa pagpapanatili ng sapat na electrolytes sa katawan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here