Home NATIONWIDE Black Friday protest ikinasa vs korapsyon sa flood control

Black Friday protest ikinasa vs korapsyon sa flood control

164
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng Black Friday protest ang ilang grupo ng mga manggagawa upang ipanawagan na panagutin ang lahat ng sangkot sa korapsyon kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Pinangunahan ang protesta ng grupong Working People Against Corruption sa bahagi ng Recto Avenue sa Maynila, kung saan ipinatawag din nila ang mas malaking atensyon sa sektor ng mga manggagawa.

Sigaw din ng grupo na taasan ang sahod ng mga manggagawa.

Pawang nakasuot ng itim na damit ang mga nagprotesta bilang simbolo ng patuloy na paghihirap ng mga ordinaryong Pilipino.

“Mga kurakot panagutin, sahod pataasin,” isa sa katagang nakasulat sa malaking tarpaulin ng mga nagkilos-protesta.

Giit ng mga manggagawa, sa halip na pagtuunan ng pansin ang kanilang mga panawagan, abala umano ang mga korap na opisyal ng gobyerno sa kaban ng bayan kaya nais nilang agad na managot ang mga ito sa batas.

Ang nasabing protesta ay bahagi ng malawakang rally na ikakasa sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here