Home NATIONWIDE Blangkong pahina sa 2025 budget, pinabulaanan ng ilang senador

Blangkong pahina sa 2025 budget, pinabulaanan ng ilang senador

MANILA, Philippines – Mahigpit na pinabulaanan ng ilang senador ang paratang na may blankong entries sa 2025 national budget dahil hindi umano magiging balanse ang lahat kapag merong ganito.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senador Sherwin Gatchalian Joel Villanueva, wala umano silang nakitang blank entries sa inaprubahang badyet ng bicameral conference committee.

“Sa akin and my team wala kaming nakitang blangko kasi dapat balanse. Yun ang tinitignan naming parati. So I have a whole team na tinitignan yung budget bago ko pinipirmahan,” Gatchalian told reporters in a separate interview.

“Kasi kung blangko, hindi magbabalanse eh. Kailangan balanse ang budget eh. For example, ‘yung House amendments, ‘yung Senate amendments and of course, ‘yung final product ‘yung GAA [General Appropriations Act] dapat balanse ‘yan. Ang iniisip ko kung blangko ‘yan, hindi magbabalanse, that’s number one,” ayon sa vice chairman of Senate committee on finance.

Sinabi naman ni Villanueva na “full bicameral conference committee report” ang kanyang nilagdaan na dokumento.

“Lahat nandoon [at] may mga items tayong nakita… I, for one, would say na…wala akong nakitang blangko or whatsoever,” aniya.

“Ang hirap paniwalaan noong blangko kasi hindi magta-tally talaga and at the same time, hindi maaaring ipasa ang batas na ‘yun, nang blangko. ‘Yun ang aking pananaw,” ayon kay Villanueva.

Pero, sinabi ni Villanueva kahit ganito ang kanyang pananaw, hindi nito isinasarado ang pintuan hinggil sa tsismis na ilang items sa 2025 national budget.

“Kung totoo man ‘yung sinasabi na may mga blanko, siguro ang maaari o posibleng mangyari is lump sum o may lump sum. So ako, until now, ang call ko palagi is break down these lump sum items at ipakita kung saan talaga ito pupunta,” ayon kay Villanueva.

Kapwa kalahok sina Gatchalian at Villanueva sa paglagda ng bicam report sa 2025 national budget. Ernie Reyes