Home METRO Blessing ng Navotas Polytechnic College at oathtaking sa 18th Cityhood Anniversary

Blessing ng Navotas Polytechnic College at oathtaking sa 18th Cityhood Anniversary

Pinangasiwaan ni Executive Judge Ronald Q. Torrijos ang panunumpa nina Navotas Mayor John Rey Tiangco, Congressman Toby M. Tiangco, Vice Mayor Tito M. Sanchez, at mga miyembro Sangguniang Panlungsod. Jojo Rabulan

NAVOTAS CITY — Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ika-18 anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang lungsod sa pamamagitan ng isang makasaysayang okasyon: ang blessing ng bagong gusali ng Navotas Polytechnic College at ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng lungsod.

Pinangasiwaan ni Executive Judge Ronald Q. Torrijos ang panunumpa sa mga opisyal na sina Congressman Toby M. Tiangco, Mayor John Rey M. Tiangco, Vice Mayor Tito M. Sanchez, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Mga nanumpang Konsehal:
District 1: Reynaldo A. Monroy, Lance E. Santiago, Mylene R. Sanchez, Arvie John S. Vicencio, Edgardo DC. Maño
District 2: Clint Nicolas B. Geronimo, Emil Justin Angelo G. Gino-gino, Cesar Justin F. Santos, Analiza DC. Lupisan, Rochelle C. Vicencio

Sa kanyang mensahe, inalala ni Mayor John Rey Tiangco ang mga tagumpay ng pamahalaan sa ilalim ng kanyang pamumuno:

“Together, we have built five housing projects, over 80 pumping stations, fire stations, the Navotas City Hospital, 12 health centers, the new Navotas Polytechnic College, and the Navotas Convention Center.”

Binanggit din niya ang mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mga Navoteño gaya ng NavotaAs Scholarship, NavoBangka, at Tulong Puhunan.

“All these were made possible because of political stability and the support of Cong. Toby and our City Council.”

Nagpahayag rin siya ng layuning palalimin pa ang mga inisyatiba sa edukasyon sa susunod na tatlong taon:

“We will continue to improve the quality of education in Navotas because we believe this is the key to the holistic development of every Navoteño.”

Samantala, binalikan naman ni Cong. Toby Tiangco ang hamon at pagbabago sa Navotas mula nang una siyang maupo bilang alkalde:

“When I first became mayor, the biggest challenges were peace and order, uncollected garbage, rampant illegal gambling, and constant flooding.”

“What made those reforms successful was the people’s trust and support.”

Ang seremonya ay naging simbolo ng tuloy-tuloy na pagsulong ng Navotas — mula sa mga makabuluhang proyekto sa imprastruktura, hanggang sa pagbibigay-halaga sa edukasyon at kapakanan ng bawat mamamayan. Jojo Rabulan