Home ENTERTAINMENT Jericho, sinabon mga salaulang beachgoers!

Jericho, sinabon mga salaulang beachgoers!

236
0

Manila, Philippines- Janine Gutierrez must be proud of her boyfriend Jericho Rosales.

May higit pa kasing katangian si Echo aside from being a brilliant actor.

His work ethic included.

May malasakit din kasi ang aktor sa kalikasan.

On his Instagram, walang habas na sinermunan ng aktor ang mga beachgoers na ugali nang mambalahura ng ating mga karagatan.

Nagkataon kasing may gig si Echo kasama ang kanyang banda sa Surigao del Sur.

Nang magkaroon ng bakanteng oras, the actor went around at napadpad sa dalampasigan.

Bukod sa nagulat ay dismayado rin si Echo sa mga tumambad sa kanya.

Kabilang dito’y sachet ng condom at mga basyo ng deodorant.

Bukod pa rito ang mga basura na karamiha’y mga plastic o non-biodegradable.

Kaya naman he posted: “Mabango nga ang kilikili mo, ang baho naman ng trato mo sa kalikasan!”

Sinundan pa niya ito ng, “Ang puti nga nv kilikili mo, ang itim naman ng budhi mo!”

Ganoon na lang ang ginawang paghihikayat ng aktor na magtulong-tulong tayo para panatilihing malinis ang ating mga dagat.

Katwiran niya, protecting our natural resources translates to employment thus generating revenues.

Oo nga naman. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here