Manila, Philippines- Malakas kaya ang winning chances ni Daniel Padilla para masungkit na ang award para sa Outstanding Asian Star sa Seoul International Award?
Kabilang kasi ang aktor sa talaan ng mga nominado.
Cited ang acting performance ni Daniel bilang si Andres Malvar sa Incognito.
He’s expected to grace the 20th SIA on October 2 at the KBS Hall, Yeouido in Seoul.
Hindi ito ang unang pagkakataong ma-nominate si Daniel sa naturang award-giving body.
Una siyang napansin noong 2023 sa teleseryeng 2 Good 2 Be True.
Kapareha ni Daniel noon ang kanyang real-life girlfriend na si Kathryn Bernardo.
Will Daniel bring home the trophy this time? Ronnie Carrasco III