Home NATIONWIDE Bloodless drug war ipinangako ng DOJ

Bloodless drug war ipinangako ng DOJ

MANILA, Philippines – Palalakasin pa ng Department of Justice (DOJ) ang laban kontra iligal na droga ng hindi nakokompromiso ang karapatan pantao at dignidad ng bawat indibiduwal.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na paiigtingin nito ang ugnayan sa ibang ahensya ng pamahalaan para laban ang illegal drugs at isesentro ang kampanya sa ‘Bloodless Drug War’ gaya ng ipinangako ni Pangulong Marcos.

“The DOJ pledges to continue stepping up its collaborative efforts with other government agencies to combat illegal drugs and keep our communities safe. Let me take this opportunity to reiterate that the DOJ is one with the present administration’s ‘Bloodless Drug War’ and we will always bring our A game in fighting the drug menace by steadfastly upholding the Rule of Law,” ani Remulla.

Ang pahayag ng kalihim ay kasunod ng pakikipagpulong nito sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine National Police (PNP) para makabuo ng mga stratehiya sa drug war.

Suportado ng DOJ ang panawagan ng DILG na itutok ang anti-illegal drug campaign ng pamahalaan sa mga supplier ng iligal na droga.

Samantala, inatasan ni Remulla ang Bureau of Corrections (BuCor) na madaliin na ang paglipat ng mga high-profile drug personalities sa New Bilibid Prison (NBP) patungo sa mga regional prison facilities upang matigil na ang patuloy na operasyon ng mga ito sa NBP.

“Speed up the planned transfer of illegal drug convicts to our regional prisons. You have our full support,” utos ni Remulla kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. Teresa Tavares