Home NATIONWIDE BOC pinuri ni PBBM sa kabila ng mga nakaraang kontrobersiya, alegasyon ng...

BOC pinuri ni PBBM sa kabila ng mga nakaraang kontrobersiya, alegasyon ng korapsyon

MANILA, Philippines- Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BoC) sa mga accomplishment nito sa kabila ng kontrobersiya at alegasyon ng korapsyon na dumungis sa pangalan ng ahensya sa mga nakalipas na taon.

“I shall be direct: Throughout its 123-year history, the Bureau of Customs has never had an easy time. Various controversies and corruption allegations have eroded the public trust,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos sa idinaos na 123rd founding anniversary ng BoC. “But we are changing that, we will allow your accomplishments to speak for themselves,” dagdag na wika nito.

Sinabi pa ng Pangulo na nakakolekta ang BoC ng P931 billion sa revenue noong 2024, tumaas ng hanggang P40 billion mula P890 billion noong 2023.

Idinagdag ni Pangulong Marcos na ang nakolektang revenue ay gagamitin para sa ‘educational services, infrastructure projects, at iba pang programa ng pamahalaan.’

“Ibig sabihin, sa tamang pagkokolekta ng taripa sa ating mga pantalan, mas mabilis ang biyahe ng ating mga kababayan, magkakaroon ng sapat na kagamitan sa pag-aaral ng ating mga anak, at mapapagtapos natin sa kolehiyo ang mas marami pa nating mga kabataan,” giit niya.

Binigyang-diin pa rin ni Pangulong Marcos na nagawa ng BoC na masamsam ang mahigit sa P85 bilyong halaga ng smuggled goods noong 2024, halos doble ng P43 bilyon na naitala noong 2023.

“Those encompassed large seizures of illegal vape products, counterfeit items, [and] unlawful fuel shipments. This will allow our businesses to compete more fairly in the market, and our consumers to enjoy more competitive prices, [and] our people will save money in the long run,” wika niya.

Idagdag pa rito, iginiit ng Punong Ehekutibo na ginawa ng BOC na ide-accredit ang 56 importers at customs brokers na sangkot sa illegal activities.

Idinagdag pa nito na may 45 criminal complaints na ang naisampa laban sa mga offenders, 18 ang nahatulan. May tatlong empleyado ng BoC ang sinibak sa tungkulin dahil sa misconduct, at limang iba pa ang suspendido.

“For the law to be fair, it must apply to all, especially to us who are in public service. The people have placed their trust in us, and they deserve nothing less than our utmost diligence, our integrity, and our total accountability,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Sa lahat ng opisyal, inspektor, at kawani ng BOC: Lagi ninyong unahin ang kapakanan ng sambayanan. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin ng buong katapatan at may malasakit sa inyong kapwa Pilipino,” dagdag na wika ng Pangulo. Kris Jose