Home METRO Bodega, residential area sa Tondo nagliyab

Bodega, residential area sa Tondo nagliyab

MANILA, Philippines- Sumiklab ang sunog sa isang residential area at bodega sa Barangay 186, Benita Street, Tondo, Manila nitong Martes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nag-umpisa ang sunog ng ala-1:53 ng madaling araw at agad na itinaas sa second alarm pagsapit ng ala-1:59 ng madaling araw.

Halos 15 pamilya ang naiulat na apektado sa insidente.

Kasalukuyang inaapula pa ang sunog. RNT/SA

Previous articleToll operators naghahanda na sa dagsa ng mga sasakyan sa Holy Week break
Next articleMas malalim na PH-US economic, defense ties nakikita sa pagbisita ni Blinken sa Pinas