Home HOME BANNER STORY Mas malalim na PH-US economic, defense ties nakikita sa pagbisita ni Blinken...

Mas malalim na PH-US economic, defense ties nakikita sa pagbisita ni Blinken sa Pinas

Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang grupo upang tutulan ang pagbisita ni US Secretary of State Anthony Blinken sa Pinas. Crismon Heramis

MANILA, Philippines- Kumpiyansa ang Pilipinas na magreresulta ang pagbisita ni United States (US) Secretary of State Anthony Blinken sa mas pinalakas na economic at defense cooperation ng dalawang bansa.

Tinukoy ang naging pahayag ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na walang inaasahang kasunduan sa pagbisita ni Blinken sa Manila subalit mayroon namang talakayan ukol sa kasalukuyang kalagayan ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa isang kalatas na ipinalabas ng PCO, sinabi ni Manalo na ang progreso ng “shared commitment” ng dalawang bansa ay naglalayong palakasin ang alyansa kasunod ng common interests na mapag-uusapan.

“We intend to review regional and global developments that have significant implications for our mutual security, economic growth, and shared aspirations. We will build on the recent discussions with visiting US officials for deeper and greater economic engagement between our two countries,” aniya pa rin.

Tinukoy ni Manalo ang nakaraang pagbisita ng first-ever Presidential Trade and Investment Mission (PITM) sa pangunguna ni US Commerce Secretary Gina Raimondo sa Pilipinas.

Isa umanong oportunidad ang nakatakdang pakikipagpulong kay Blinken para pag-usapan ang mga paraan upang matiyak ang defense at economic ties sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na tumutugon sa kasalukuyan at hinaharap na mga hamon.

“We are aiming to determine what concrete measures may be undertaken further in order to implement the directives of Presidents Marcos and Biden to ensure that our alliance and partnership remains relevant and responsive to current, emerging, and cross-cutting challenges in the defense, security, economic, and people-to-people spheres,” aniya pa rin.

Nakatutok din ang nakatakdang pagpupulong nina Manalo at Blinken sa malinis at renewable energy development, semiconductors, at digital economy.

Pag-uusapan din nina Manalo at Blinken ang overall bilateral cooperation sa konteksto ng regional issues, kabilang na rito ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea (SCS).

Nakatakda namang makapulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Blinken, ngayong araw ng Martes, Marso 19,  sa Palasyo ng Malakanyang kung saan pag-uusapan nila ang pagtutulungan at usapin sa seguridad. Kris Jose

Previous articleBodega, residential area sa Tondo nagliyab
Next articleImbestigasyon ng Bohol Task Force Chocolate Hills resort gumulong