Home METRO Bodega sa Valenzuela natupok

Bodega sa Valenzuela natupok

MANILA, Philippines – Isa na namang bodega ang mula kagabi ay nagliliyab na at hanggang bago mag-9 am nasunog sa Valenzuela City.

Idineklara ang unang alarma sa sumiklab na storage facility sa 31B Bonifacio St., Canumay East, ng lungsod 2141H.

2152H naman naman nang ideklara ng Bureau of Fire Protection ang 2nd Alarm at 2158H naman ang 3rd Alarm.

Kinabukasan 0137 H ay Fire Under Control na. Delta 6 ngunit 0458H ay muling idineklara ang 1st Alarm Tuluyan namang idineklara ang Fire Out ng 0851H.

Wala pang namamatay o nasusugatan sa insidente, at wala pang deklarasyon ang BFP kung magkano ang tinatayang pinsala sa ari-arian kung saan at paano ba nagsimula ang sunog. Merly Iral