Manila, Philippines – The Tape, Inc.’s camp won’t simply give up the fight.
Ayon sa legal counsel nitong si Atty. Maggie Abraham-Garduque, on appeal ang kasong copyright infringement at unfair competition na isinampa ng TVJ.
Ito’y sa kabila ng pagsasampa ng injunction ng comic trio nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon na nagbabawal nang gamitin ang titulong Eat Bulaga.
Kaya nga nitong January 6, Sabado ay nagpalit na ng program title ang Tape, Inc. renaming its noontime show Tahanang Pinakamasaya.
Halaw ‘yon sa jingle ng show.
Samantala, balitang nabilisan daw ang mga hosts ng TP sa naging turn of events.
Tulad na lang ni Paolo Contis na aminadong tensyonado sa inilabas na desisyon ng Marikina Regional Trial Court.
Gayunpaman, in high spirits pa rin daw sila sa kabila ng latest development sa kaso.
Nairaos din daw nila nang matiwasay ang twin birthday celebration nina Cassy at Mavy Legaspi.
Hindi rin daw apektado ang sponsorship dahil walang advertiser na nag-pull out.
Sa katunayan pa nga raw, more than 30 minutes ang commercial load nitong Sabado.
May konti mang kurot na nararamdaman, nagkakaisa ang mga bumubuo ng TP na kailangang sumunod sa itinakda ng korte.
Samantala, nahingan ng reaksyon ang dating Eat Bulaga baby at Little Miss Philippines grand winner na si Ice Seguerra tungkol sa legal victory ng programang “nagsilang” sa kanya.
Ani Ice, masaya siya para sa TVJ dahil sa wakas ay naresolba na ang kaso. Ronnie Carrasco III