Home IN PHOTOS Eagels Club Year 2024 National President nanumpa na

Eagels Club Year 2024 National President nanumpa na

LAS PIÑAS CITY — Nanumpa na sa kanyang tungkulin bilang ika-38 Pangulo ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles (TFOEPE) si Eagle President Ronald Delos Santos sa isinagawang Installation of the National President noong January 6, 2024 na ginanap sa The Tent, Las Piñas City. Dinaluhan ito ng nasa tatlong libong opisyal ng TFOE-PE.

Sa kanyang panunumpa, nanawagan si Delos Santos ng pagkakaisa at pagtutulungan ng samahan para sa tagumpay ng kanyang pag-susulong ng programa sa Eagle year 2024 katulad na lamang ng Organizational Restructuring, Transparency, Pagsasaayos ng General Appropriations Act, Digitization; Website, and Portal, Pagbubukas ng Eagles Cooperative, Expansion ng TFOE-PE Membership, at mas malawakan pang pakikipagtulungan sa pamahalaan, at maging sa Non-Government Organizations.

“A great responsibility is at hand and I consider this as a big challenge to carry on the torch of leadership from outgoing Kuya Nelson Alonto Sarappudin. With the ideals and wisdom from my predecessor I humbly accept the torch of leadership that I shall bear for the next two years, with strong determination of commitment in carrying out the Eagles Mission Statement embodied in the Constitution for the betterment of humanity,” Delos Santos.

Pinasalamatan din ni President Delos Santos ang liderato ni Sarapuddin na siyang nagbigay ng daan na kanilang susundan para sa mas maganda at matatag na samahan.

Sa talumpati naman ni Former National President Nelson Sarapuddin, ipinangako nito ang patuloy na suporta sa mga programa ng bagong liderato ni President Delos Santos at ng TFOE-PE.

Pinaalalahanan din nito ang mga Kuya na huwag makinig sa mga tsismis at “Marites” na nakakasira sa samahan at hindi nakakatulong sa mga taong nangangailangan.

Nagpasalamat rin si Eagle NCR 84th Region Governor na si Jenzen “Zentur” Turica sa magandang programang inilatag ni President Delos Santos na nagpapakita lamang na nakatuon sa pagtutulungan at progresibong samahan ng mga Kuya at Ate ng Agila.

Kabilang sa mga bagong opisyal ay sina:
Kuya Allan Corpuz, Secretary General
Kuya Jason Masa, Executive National Vice President
Kuya Agaton Javier, Vice President for Luzon
Kuya Arnold De Asis, Vice President for Visayas
Kuya Soliven Teo, Vice President for Mindanao
Kuya Salvador Ramos, PENAPLE Chairman 2024
Kuya Vicente Avilla, PENAPLE Vice Chairman 2024

Sinaksihan din ito nina Senator Cynthia Villar, Ret. Col. Bong Nebrija, Usec. Epimaco Densing III, Cong. Jose Bong Teves Jr., PAO Chief Persida Acosta, Former Senator Joey Lina, at iba past President ng TFOEPE.

Ang Fraternal Order of Eagles—Philippine Eagles (TFOEPE) ay itinatag sa Quezon City noong 1979, na nagtataguyod ng isang socio-civic na organisasyon na may gabay na prinsipyo ng paglilingkod sa pamamagitan ng matibay na pagkakapatiran at ugnayang pangkapatiran sa mga miyembro nito. bilang saligang bato sa makataong paglilingkod. CESAR MORALES)

Previous articleHosts ng TP, natensyon!
Next articleEsther Lahbati, nanupalpal ng netizen!