Home ENTERTAINMENT Esther Lahbati, nanupalpal ng netizen!

Esther Lahbati, nanupalpal ng netizen!

Manila, Philippines – Nagsilbing imbitasyon sa isang basher ang flinex na larawan ni Esther Lahbati kuha sa isang salon.

Si Esther ang butihing ina ni Sarah, biyenan ni Richard Gutierrez.

Wari’y pinamper ni Esther ang kanyang sarili sa pagpunta sa salon like anyone else who needs to relax.

Isang basher ang nangmaliit sa kanya partikular sa naging trabaho niya sa Geneva, Switzerland.

Burado na ngayon ang post na ‘yon pero hindi ‘yon pinalampas ni Esther.

Balitang kasing namasukan bilang kasambahay si Esther, bagay na itinanggi niya.

Pero pinuri naman niya ang nasabing marangal na trabaho.

Ang totoo raw, hindi sa pabrika o pagawaan ng mga tsokolate nagtrabaho si Esther.

Dahil ang totoo raw ay nagtrabaho siya sa isang chocolate store sa loob ng airport sa Geneva.

Pagmamalaki pa ni Esther: “I can travel anywhere in the world without visa!”

Swiss passport holder daw kasi siya.

Ang pagkakaroon daw nito’y powerful in the sense na malaya niyang magagalugad ang iba’t ibang parte ng mundo nang walang kaukulang travel documents.

Bagama’t in-address na ni Esther ang kanyang pagiging OFW noon, nakabitin pa rin sa ere ang ilang isyu kaugnay ng balitang paghihiwalay nina Sarah at Richard.

Bordering na nga on the personal ang isyu dahil nakakaladkad na rin ang umano’y relasyon niya sa asawang si Abdel.

Mula sa kanyang source, naiulat ni Cristy Fermin sa kanyang radio program ang umano’y pakikipagrelasyon ni Abdel sa pamangkin ni Esther na nagtatrabaho rin sa Geneva.

Obyus na wala itong bearing sa Sarah-Richard issue pero pati ‘yon ay nakakalkal pa. Ronnie Carrasco III

Previous articleEagels Club Year 2024 National President nanumpa na
Next articleNail polish ni Angge sa wedding, nilait!