Home TOP STORIES Nail polish ni Angge sa wedding, nilait!

Nail polish ni Angge sa wedding, nilait!

Manila, Philippines – Binulaga ni Angelica Panganiban ang publiko sa kasal nila ng kanyang live-in partner at ama ng anak niya na si Gregg Homan sa California, USA.

Ikinasal sina Angelica at Gregg noong December 31, 2023 sa Amerika kasama ang kanilang unica hija na si Amila Sabine.

Taliwas ito sa mga naglabasamg espekulasyon na magaganap ang wedding nina Angelica at Gregg sa darating na buwan ng Mayo, 2024.

Hinangaan naman ng ibang netizens ang kasal nina Aneglica at Gregg sa Amerika.

Simple ang wedding at limited lang sa close family and friends ng dalawa ang present sa wedding.

Maging ang wedding dress ni Angelica na siyang inaabangan sa mga kasalan ay simplehan lang din ang dating.

Dinispley naman ang magandang dibdib at legs ng aktres sa kanyang wedding dress na gawa ni Vania Romoff.

Pero agaw-eksena sa mga mata ng netizens ang nail polish ni Angelica.

“Ano bang kuko yan bakit parang putik ang french tip? Congrats! Kaya pla nandun angbeki wedding na pala ni angge! Super simple ng kasal grabe nkakabilib!”

“Same observation. Professional nail tech naman siguro ang gumawa pero di nagisip haha”

“Parang ang dumi ng koko dahil sa polish hahaah”

Ay, hala! Julie Bonifacio