Home HEALTH Tetanus cases sa bansa binabantayan ng DOH

Tetanus cases sa bansa binabantayan ng DOH

MANILA, Philippines – Binabantayan ng Department of Health (DOH) ang tetanus cases makaraang umabot sa 609 ang fireworks-related injuries (FWRI) hanggang nitong Sabado.

Sa pinal na FWRI surveillance bulletin, iniulat ng DOH ang siyam na bagong kaso noong Enero 5 at 6, lahat ay dahil sa paputok.

Sinabi ng ahensya na may iniulat ding kaso ng stray bullet injuries na kinukumpurna at ang bilang ay Maari pang mabago sa susunod na ilang araw.

Sa kabuuan, 601 ang dahil sa paputok, isa dahil sa paglunok ng “Watusi”, at pito mula sa ligaw na bala.

Mahigit kalahati ng mga kaso ay nagmula sa National Capital Region sa 320, sinundan ng Ilocos Region sa 61, Calabarzon sa 49, at Central Luzon sa 43.

Sinabi ng DOH na 33 ang nagkaroon ng pagsabog o paso na may amputation; 155 ang nagtamo ng mga pinsala sa mata na may isang kumpirmadong pagkabulag; at dalawa ang nawalan ng pandinig.

Siyamnapu’t anim na porsyento ng mga kaso ay nangyari rin sa bahay at sa mga lansangan, karamihan ay mga lalaking may aktibong pakikilahok.

Ayon pa sa DOH, 64% ng FWRI ay dahil sa kwitis, Five Star, Pla-pla, luces, Whistle Bomb, boga (improvised cannon), at fountain fireworks. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleNail polish ni Angge sa wedding, nilait!
Next articleBoying ‘di papalitan sa DOJ – spox