Home HOME BANNER STORY PBBM walang kinalaman sa ICC probe – Digong

PBBM walang kinalaman sa ICC probe – Digong

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na walang kinalaman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa bloody drug war noong nakaraang administrasyon.

“It is the f****** ICC interfering in our private affairs, in the sense that it intrudes into the sovereignty of the other nations,” ani Duterte sa isang press conference kasama ang Davao-based media.

“Marcos, I am not in any way, dragging him into the picture. Matagal na yang ICC na yan.”

“Kung mayroon man akong ginawa, ito ay dahil ginawa ko ito para sa aking bansa,” aniya, na tumutukoy sa kanyang kampanya laban sa droga na ikinamatay ng libu-libong tao.

“Hayaan mo na yang ICC, yang human rights, wala akong pakialam sa kanila. Kung may ginawa man ako. Kung tingin ng iba tama, kung tingin ng iba, mali, wala akong pakialam, basta ginawa ko para sa bahay ko, para sa mga anak ko,” giit pa ni Duterte.

Dagdag pa niya, wala siyang pakialam kung dumating man sa bansa ang mga opisyal ng ICC para imbestigahan ang mga pagpatay noong panahon ng kanyang administrasyon.

“Wala akong pakialam kung nandito sila para manatili, mag-imbestiga, manatili dito habang-buhay, o manatili dito para sa pamamasyal,” ani Duterte. “Tingnan ko lang kung what can they can come up with, then sagutin ko sila.” RNT