Home HOME BANNER STORY Eroplano nabutasan ng dinding sa ere

Eroplano nabutasan ng dinding sa ere

USA – Muntik nang madisgrasya ang 177 pasahero at crew ng isang Alaska Airlines nang matanggalan at malaglagan ito ng fuselage habang nasa ere na ito mula sa California.

Bukod sa nasirang fuselage, nabutas din ang dinding nito na katapat ng fuselage ng kasinglaki ng refrigerator.

Habang nagaganap ito, naglaglagan lahat ang air mask.

Isang bata naman ang nahubaran ng t-shirt palabas ng eroplano ngunit napigilan ng ina ang bata na tangayin ng hangin palabas ng eroplano.

Dahil sa pangyayari, nag-emergency landing ang eroplano na isang Boeing 737 Max 9 sa isang paliparan sa Oregon at mabilis na ibinaba ang mga pasahero at crew.

Kasama ng fuselage ang cockpit, passenger cabin, pwesto ng mga bagahe at makina mismo ng eroplano kaya nang kumalas ito sa nasabing eroplano, nagdulot muna ito ng napakalakas na pagsabog at sumunod na rito ang pagkabutas ng dinding.

Nakakabit din dito ang pakpak, buntot at landing gear ng eroplano.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pangyayari at pinahinto na ang paglipad ng Alaska Airlines ang lahat ng 65 eroplano nitong Boeing 737 Max 9. Fred Cabalbag