Home ENTERTAINMENT EB sa GMA, nagpalit na ng title!

EB sa GMA, nagpalit na ng title!

Manila, Philippines – Tumalima rin ang Tape, Inc. makaraang ibinababa na ng Marikina Regional Trial Court ang desisyong pumabor sa TVJ kaugnay ng kasong copyright infringment at unfair competition na isinampa nila laban dito at GMA.

Matatandaang eksaktong 4:23 ng hapon nitong January 5, Biyernes nang makatanggap ng email si Tito Sotto.

Kinatigan nga ng hukuman ang kanilang petisyon, bagay na masayang ibinalita ng comic trio sa kanilang Facebook Page ng araw ding ‘yon.

Nagkataon kasing nasa TV5 Media Center pa sila para sa pagpupulong sa mga plano ng kanilang noontime show para sa 2024.

Kinabukasan din, January 6, Sabado ay hindi na ginagamit ng Tape, Inc. ang program title na Eat Bulaga.

Pinalitan na nila ito ng Tahanang Pinakamasaya, mga katagang bahagi ng theme song nito.

Bagama’t iaapela pa raw ng kampo ng Tape, Inc. ang kaso’y para na ring tinanggap ng pamunuan ang desisyon ng korte nang maluwag sa dibdib.

Nauna nang dinrsisyunan ng Intellectual Property Office o IPO na pag-aari ng TVJ ang trademark nito base sa nakarehistro.

As regards the atmosphere over Tahanang Ponakamasaya, hindi naman nababakas ang kalungkutan ng mga hosts.

‘Yun nga lang, last Saturday felt like Day 1 ng kanilang trabaho.

Samantala, gaya nga ng sabi ng TVJ: “Ibig lang sabihin nito, atin talaga ang Eat Bulaga!”

No doubt, it’s legitimately theirs! Ronnie Carrasco III

Previous article1,000 volunteers ipakakalat ng Red Cross sa Traslacion
Next articleEroplano nabutasan ng dinding sa ere