Home HOME BANNER STORY Bogo City, Cebu niyanig ng M-6.9 na lindol; tsunami alert itinaas

Bogo City, Cebu niyanig ng M-6.9 na lindol; tsunami alert itinaas

366
0
Nawasak ang Archdiocesan Shrine ng Santa Rosa de Lima sa Daanbantayan, Cebu matapos ang malakas na lindol.

CEBU – Niyanig ng Magnitude 6.9 na lindol ang Bogo City, Cebu bandang 9:59 ng gabi nitong Martes, na sinundan ng Magnitude 5.0 na aftershock makalipas ang 25 minuto, ayon sa PHIVOLCS.

Tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na 5 km.

Naitala ang Intensity V sa Argao, Cebu; City of Sipalay, Negros Occidental, City of Lapu-Lapu, Tacloban City.

Naramdaman ang Intensity IV sa San Fernando, Cebu; Bulan, Bulusan, at Casiguran, Sorsogon; City of Roxas sa Capiz; City of Himamaylan, Negros Occidental; Ubay, Bohol; Lawaan, Eeastern Samar; Laoang, Northern Samar; City of Catbalogan, Samar; City of Dipolog sa Zamobanga del Norte.

Habang naramdaman ang Intensity III sa San Fernando, Cebu and Intensity II sa Laoang in Northern Samar; Legazpi City sa Albay; Iriga City sa Camarines Sur; Donsol, Sorsogon; at Tibiao, Antique.

Inilikas ang mga pasyente at staff ng Cebu City Medical Center bilang pag-iingat, ayon kay Gov. Pam Baricuatro, at magtatayo ng mga tent para sa kanila.

May ulat din ng pagkaguho ng bahagi ng Archdiocesan Shrine sa Daanbantayan. Ipinatigil ni Lapu-Lapu City Mayor Cindi King Chan ang klase sa lahat ng antas sa Miyerkules habang isinasagawa ang inspeksyon ng mga paaralan.

Naglabas ng tsunami advisory ang PHIVOLCS para sa bahagyang pagtaas ng tubig-dagat na mas mababa sa isang metro.

Pinayuhan ang mga residente malapit sa baybayin na lumikas palayo, habang ang mga may bangka ay pinayuhang ilayo o manatili sa malalim na bahagi ng dagat. Inaasahan pa ang mga aftershock. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here