Home HOME BANNER STORY Bogo City Provincial Hospital, umapaw na sa pasyente

Bogo City Provincial Hospital, umapaw na sa pasyente

321
0
(c) MyTV Cebu

MANILA, Philippines – Umapaw na ang kapasidad ng Bogo City Provincial Hospital matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, habang dagsa ang mga pasyente at bangkay mula sa mga bayan sa hilagang bahagi.

Pinakamaraming nasawi ay mula sa Bogo City na may 30, sinundan ng San Remigio (22), Medellin (10), Tabogon (5), at Tabuelan (1).

Ayon kay Cebu Governor Pam Baricuatro, kinakailangan nang ilipat ang ibang pasyente dahil kulang ang pasilidad, partikular sa operasyon at orthopedics.

Sa Barangay Pulangbato, gumuho ang isang hilera ng bahay na nagdulot ng pitong pagkamatay, kabilang ang apat na miyembro ng pamilya.

Ayon sa DSWD, apektado ang 27 pamilya sa hilagang Cebu at bibigyan sila ng food packs, handang pagkain, mobile kitchen, at supply ng tubig. Inatasan naman ni DPWH Secretary Vince Dizon ang agarang pagkukumpuni ng ospital, mga kalsada, at tulay, na tinatayang may ₱2 bilyong pinsala sa imprastruktura. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here