Home HOME BANNER STORY Bohol Gov, 13 alkalde iba pang opisyal sinuspinde ng Ombudsman sa ‘Chocolate...

Bohol Gov, 13 alkalde iba pang opisyal sinuspinde ng Ombudsman sa ‘Chocolate Hills’ resort

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Office of the Ombudsman si Bohol Governor Erico Aumentado at 68 na opisyal ng pamahalaan bunsod ng kontrobersyal na pagtatayo ng Captain’s Peak Resort sa Chocolate Hills.

Iniutos ng Ombudsman ang anim na buwan na preventive suspension laban kay Aumentado, at iba pang kasalukuyan at dating opisyal ng Bohol, ilang opisyal ng DENR, DA, DOST, PNP, OCD maging ang nagsilbing barangay captains na sakop ng Chocolate Hills.

Layon ng suspensyon na bigyan daan ang imbestigasyon at upang hindi magagalaw ang mga dokume lnto at iba pang ebidensya sa usapin.

Samantala, iginiit ng kampo ni Aumentado na wala silang kaugnay sa isyu ng captains peak. Pag-aaralan pa ng legal counsel ni Aumentado ang mga posibleng hakbang kasunod ng ipinataw na suspensyon. Teresa Tavares