Home METRO Bohol gov balik-pwesto na matapos masuspinde sa Chocolate Hills resort

Bohol gov balik-pwesto na matapos masuspinde sa Chocolate Hills resort

151
0

BOHOL, Philippines – Ibinalik na sa kanyang puwesto si Bohol Governor Erico Aumentado matapos aprubahan ng Office of the Ombudsman ang pagbawi sa preventive suspension laban sa kanya kaugnay ng imbestigasyon sa kontrobersyal na resort sa Chocolate Hills.

Ang pagkalos ng preventive suspension ay epektibo mula Hulyo 31, ayon sa pahayag na inilabas ng tanggapan ni Aumentado.

Matatandaang si Aumentado at 68 pang opisyal ay inilagay sa anim na buwang preventive suspension noong Mayo 28 dahil sa pagtatayo ng Captain’s Peak Resort sa sikat na tourist attraction na isa ring protected area.

Gayunpaman, nauna nang itinanggi ng Bohol governor na sangkot siya sa pagtatayo ng resort, at binanggit na ito ay itinayo noong 2018 noong siya ay kongresista pa lamang na kumakatawan sa ikalawang distrito ng lalawigan.

Sinabi rin noon ni Aumentado na hindi siya naimbitahan sa Protected Area Management Board meeting noong 2022, kung saan naaprubahan ang resolusyon na nag-eendorso sa pagpapaunlad ng resort.

Noong Hunyo, naghain si Aumentado ng motion for reconsideration na humahamon sa preventive suspension ng Ombudsman. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here