Home HOME BANNER STORY Bohol gov gagawa ng legal remedies vs suspension order

Bohol gov gagawa ng legal remedies vs suspension order

MANILA, Philippines – Sinabi ni Bohol Governor Aris Aumentado na gagawa ito ng legal na remedyo makaraan siyang suspendihin ng anim na buwan ng Ombudsman dahil sa konstruksyon ng kontrobersyal na resort sa Chocolate Hills.

Ani Aumentado, personal niyang tinanggap ang preventive suspension order nitong Martes, Mayo 28 mula sa mga opisyal ng Office of the Ombudsman na lumipad pa mula-Manila.

“Collateral damage ra ta aning panahona (We are just collateral damage this time),” ani Aumentado, na tumutukoy sa 68 iba pang nasuspinde.

Sakop ng suspensyon ang mga dating gobernador na sina Art Yap at Rene Relampagos, mga alkalde na nakasasakop sa Chocolate Hills, regional directors ng Departments of Agriculture, Science and Technology, Environment and Natural Resources, at Philippine National Police.

Aniya, tanggap naman nito ang desisyon ng Ombudsman sa kabila ng nagpapatuloy na imbestigasyon. Ngunit sinabi rin na posibleng gamitin ng ibang partido ang isyu bilang oportunidad bilang ito ay “highly publicized and sensationalized”.

“We will review what we can do with this. We will not go ahead. We will consult lawyers,” ayon sa gobernador.

Makikipagkita siya sa iba pang mga nasuspindeng opisyal upang pag-usapan ang susunod na legal na hakbang.

Sa kabila ng suspensyon ng 69 opisyal, siniguro ni Aumentado na ang operasyon sa probinsya ay “business as usual.”

Si Vice Governor Dionesio Balite ang magsisilbing acting governor, habang si Senior Board Member Tita Baja ang magiging vice governor. RNT/JGC