Home HOME BANNER STORY Patay sa bagyong Aghon, 7 na

Patay sa bagyong Aghon, 7 na

MANILA, Philippines – Umakyat na sa pito ang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Aghon na nanalasa noong weekend.

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Quezon Province, kung saan tatlo katao ang nasawi matapos mabagsakan ng puno at isang sanggol naman ang nalunod.

Isang lalaki naman ang natagpuang-patay sa binahang cafe, at isa pang lalaki ang narekober mula sa ilog

Ang ikapitong biktima ay isang estudyante na nadaganan ng tumumbang puno sa Misamis Oriental.

Inilagay naman sa state of calamity ang dalawang lugar sa Quezon Province.

Mahigit 8,000 katao ang pwersahang inilikas dahil sa malawakang pagbaha dulot ng malakas na ulan. RNT/JGC