Manila, Philippines- Sa murang edad na 48 ay sumakabilang-buhay na ang isa sa mga lead vocalist ng bandang Aegis na si Mercy Sunot.
Ito ang malungkot na ibinahagi ng kanyang kabanda sa Facebook page. Nakipaglaban siya sa lung cancer.
Naging matagumpay naman daw ang isinagawang operasyon sa kanya.
Kumalat na rin kasi ang kanyang cancer sa breast.
Kinailangang ma-confine si Mercy sa ICU para tanggalin ang tubig sa kanyang baga.
Nitong mga huling araw, humiling pa si Mercy ng panalangin mula sa kanyang mga kaibigan at supporters para malampasan ang kanyang sakit.
Ayon sa nakasaad sa FB page ng Aegis, ipinagdiriwang nila ang “incredible life she lived” at ang inspirasyong inihatid niya sa pamamagitan ng kanyang musika.
Inalala rin ang kanyang legacy dahil sa “comfort, joy and strength” na iniwan ng kanyang musika which has touched so many lives.
Nalagutan ng hininga si Mercy sa Stanford Hospital & Clinics sa San Francisco, USA nitong November 17 (November 18 sa Maynila).
Nakapanghihinayang na hindi kumpletong magtatanghal ang Aegis sa pre-Valentine concert nito sa February 1 and 2 sa New Frontier.
As of this writing, wala pang detalye tungkol sa funeral ni Mercy.
Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Mercy Sunot. Ronnie Carrasco III