MANILA, Philippines – INAPRUBAHAN na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng P5 billion para palakihin ang assistance program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga Filipino na apektado ng mga bagyo.
Ayon sa DBM, ang pagpapalaki sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ay nakalinya sa direktiba ng administrasyong Marcos na agarang tugunan ang pangangailangan ng disaster-affected communities.
“We cannot deny the severe impact of the climate crisis here in the Philippines. Typhoons Nika, Ofel, Pepito, and many more have come and will continue to come. This additional funding for the DSWD is for our fellow citizens affected by the crisis,” ang sinabi ni Pangandaman.
“Through this, we are sustaining support for vulnerable and marginalized communities. We are bridging the resource gap required for extensive disaster recovery and sustained support throughout the nation,” ang winika ng Kalihim.
Sinabi ng DBM na ang AICS program ay mahalagang serbisyo ng DSWD, nag-aalok ng medical, burial, transportation, education, at food assistance, at maging ng financial aid para sa mga indibiduwal at pamilya na nahaharap sa emergency.
Ang alokasyon ng nasabing karagdagang pondo ay nakahanay sa special provisions ng 2024 General Appropriations Act (GAA) para sa paggamit ng Unprogrammed Appropriations (UA).
Pinapayagan ng mga probisyon ang pondo na gamitin para sa mahalagang ‘infrastructure at social programs’ kabilang na ang financial aid para sa low-income citizens, lamang ay kung mayroong bago o sobrang revenue collections.’ Kris Jose