UNITED STATES – Iniimbestigahan na ng pulisya ang bomb threat sa lugar kung nasaan ang bahay ng kapatid ni Pope Leo sa Chicago sa Estados Unidos.
Sa pagsisiyasat ay wala namang nakitang pampasabog o mapanganib na gamit sa naturang lugar.
Iniulat kasi ang bomb threat nitong Miyerkules ng gabi, Abril 15, sa lugar kung nasaan ang bahay ni John Prevost sa New Lenox, Illinois.
Si Prevost ay nakatira sa kaparehong kalsada kung nasaan ang bahay ni Prevost.
Ang banta ay nataon ilang araw matapos na batikusin ni US President Donald Trump si Pope Leo XIV dahil sa kritisismo nito sa giyera sa iran.
“After careful examination, investigators determined that the threat was unsubstantiated and that no explosive devices or hazardous materials were present,” saad sa pahayag ng pulisya.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang malaman kung saan nanggaling ang maling report. RNT/JGC