Home ENTERTAINMENT Bong Go, naging inspirasyon si Nora!

Bong Go, naging inspirasyon si Nora!

Screenshot

Manila, Philippines – Si Sen. Bong Go na rin ang nagsabi na naging inspirasyon sa kanya at sa maraming Pilipino ang National Artist for Films and Broadcast Arts na si Nora Aunor.

Nakidalamhati si SBG sa mga naulila ni Nora at sumama rin ang butihing senqdor sa state funeral kung saan hinatid sa huling hantungan ang Superstar sa Libingan ng mga Bayani.

Nangako naman si Go na isusulong at susuportahan ang kapakanan ng mga kawani ng media at entertainment industry.

“Naging inspiration nating lahat ang yumaong superstar upang lalo pa tayong magtrabaho para sa kapwa Pilipino,” sabi pa ni Sen. Bong.

Hindi lang si SBG dahil kahit ang kanyang sariling ina ay may malalim na paghanga sa mga katulad ni Nora.

FYI ay malapit sa puso ni SBG ang mga kawani ng media at entertainment industry as a whole, mula sa mga malalaking pangalan na haligi ng showbiz hanggang sa mga karaniwang staff and crew.

Kung matatandaan ay co-author si SBG ng Eddie Garcia Law na layong bigyan ng sapat na proteksyon at benepisyo ang mga manggagawa sa film and TV industry.

Patuooy din niyang isinusulong ang Senate Bill No. 1183, ang Media and Entertainment Workers Bill para lalo pang patibayin ang pangangalaga sa kapalanan ng mga media workers. JP Ignacio