Home NATIONWIDE Bong Go sa isyu ng ICC arrest warrant: Wala akong nilabag na...

Bong Go sa isyu ng ICC arrest warrant: Wala akong nilabag na batas

3
0

MANILA, Philippines – Idiniin ni Sen. Christopher Go na wala siyang nilabag na anuman sa batas sa pagsasabing ipinagpapasa-Diyos na niya ang kanyang kapalaran, kasunod ng report na naglabas na ang International Criminal Court warrant para sa kanyang pag-aresto.

“Ipinagpapasa Diyos ko na lamang po ang lahat. Buong buhay ko, wala po akong nilabag na anumang batas ng tao o batas ng Diyos. Police matters have never been part of my mandate,” ani Go sa kanyang pahayag.

“I hope and pray na hindi mapupulitika ang issue hinggil sa sinasabing ICC warrant daw laban sa akin,” dagdag niya.

Sa Facebook post nitong Miyekules, ibinunyag ni Davao City First District Rep. Paolo “Pulong” Duterte na isang “highly reliable source” ang nag-imporma sa kanya na may lumabas nang ICC arrest warrants laban kay Go at sa dalawa pang police officers.

Ngunit sinabi ng interior department na walang natatanggap ang Philippine authorities ng anumang formal notice sa umano’y warrant of arrests.

Sina Go at Sen. Ronald Dela Rosa ay kabilang sa mga sinasabing pinangalanan ng ICC bilang “co-perpetrators” sa crimes against humanity laban sa war on drugs ni dating President Rodrigo Duterte.

Si Go ay malapit kay Duterte simula pa noong alkalde ang dating Pangulo sa Davao City.

Sinabi ni Go na ang alegasyon laban sa kanya ay pawang kasinungalingan sa pagsasabing walang kinalaman ang kanyang trabaho sa war on drugs habang siya ay nagsisilbi kay Duterte.

“Let me be clear, at no time did I have any involvement in, knowledge of, or authority over these allegations,” sabi ni Go. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here