Home NATIONWIDE Bong Go sa Kamara: Itigil ang harrasment, abuse of power!

Bong Go sa Kamara: Itigil ang harrasment, abuse of power!

113
0
Dinalaw nina Sen. Bong Go at Sen. Bato dela Rosa si Vice President Sara Duterte para ipakita ang kanilang suporta sa Bise-Presidente.

MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go sa mga kongresista sa Kamara de Representante na itigil ang pangha-harass sa mga kinukuhang resource persons, gayundin ang pag-abuso sa paggamit ng kapangyarihang mag-contempt upang maging produktibo ang ginagawang pagsisiyasat “in aid of legislation”.

“Nakikiusap po ako sa ating mga kapwa mambabatas sa House of Representatives na hinay-hinay lang sa pagpapatupad ng contempt citation at igalang po ang karapatan ng mga resource persons.

Natatakot na po ang mga resource persons dahil puro naco-contempt na po sila. Imbes na maging productive ang resulta, ay hindi na po, dahil sa takot. Tandaan natin na “in aid of legislation” naman po ito,” ang sabi ni Go.

Ginawa ni Go ang pahayag kasunod ng nangyaring insidente o tensyon sa compound ng Kamara nang tangkain ng House security na dalhin sa Correctional facility ang Chief of Staff ni VP Sara Duterte na si Atty. Zuleika Lopez na na-contempt sa pagdinig ng Kongreso kamakakailan.

“Sana ay hindi na po umabot sa ganitong sitwasyon. I am also concerned sa medical condition po ni Atty. Lopez. Unahin muna natin ang kanyang kalusugan bago ang lahat. Karapatan naman po niya iyon. Concerned rin po ako kay VP Sara Duterte — Ma’am, nandirito lang po kami, inyong kapwa Davaoeño,” ani Go.

Sinabi ni Go na dapat balikan ng mga kongresista ang House rules pagdating sa investigations in aid of legislation lalo na ang grounds for citing resource persons in contempt nang hindi maabuso.

Bilang isang mambabatas at mamamayang Pilipino, nakiusap si Go sa Kamara na itigil harassment sa pagsasabing ang kanilang ginagawang pagsisiyasat ay “in aid of legislation, not persecution!”

“Itong kaso ni Atty. Lopez, resource person siya, bakit ilalagay sa Correctional Facility, eh hindi pa siya akusado ng anumang krimen? Hindi naman siya convicted, resource person lang siya. Sana ay matigil po itong pang-aabuso sa paggamit ng contempt powers,” ipinaalala ni Go.

Bilang mambabatas, sinabi ni Go na layon ng committee hearings na matanong ang resource persons para malaman ang katotohanan in aid of legislation sa pagsasagawa ng bagong batas.

“Noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, wala namang ganitong nangyayari. Trabaho lang po at nagtutulungan ang iba’t ibang sangay ng gobyerno – ang executive at ang legislative — to craft laws para sa development po ng ating bansa at kapakanan ng ating mga kababayan. Importante ngayon trabaho muna, serbisyo muna,” anang senador.

“Naghihirap po ang ating bayan. Sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kakulangan sa pagkain — marami po sa mga kababayan natin ang nagugutom, sunud-sunod na mga malalakas na bagyo, problema sa peace and order at maging sa West Philippine Sea, napaka-unhealthy po ng nangyayari ngayon,” dagdag niya.

Sinabi pa niya na habang nag-aaway ang mga lider ng bansa, ang nasasakripisyo ay ang mga ordinaryong Pilipino na gusto lang mabuhay nang tahimik, makakain, at makauwi sa kanilang mga pamamahay nang ligtas.

“Sayang ang oras kung puro away ang nangyayari dito sa ating bansa. Madami pong Pilipino ang naghihirap, mas maraming Pilipino ang gusto pong mabuhay nang tahimik. Yan lang po ang pakiusap ko sa ating mga leader.” ani pa ni Go. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here