Home HOME BANNER STORY Videoclip ng banta ni VP Sara, ‘authentic’ – NBI

Videoclip ng banta ni VP Sara, ‘authentic’ – NBI

MANILA, Philippines – Inatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na tignan ang banta ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Sinabi ni NBI Director Jaime B. Santiago na nagbigay ng tagubilin si Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla sa ahensya na imbestigahan ang banta.

Ayon kay Santiago, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Sa ngayon, sinabi ni Santiago na natuklasan ng Cybercrime Division ng NBI na ang videoclip ng Pangalawang Pangulo ay totoo o authentic.

Aniya, ito ay hindi isang deepfake o AI-Generated at ang natuklasan ay iniulat na ng NBI sa Justice Secretary.

Sa kumakalat na video, nagbanta si Sara sa isang zoom press conference na mayroon na siyang nakausap na papatay kay Marcos, Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez kung may mangyari sa kanyang seguridad o kapag may nangyari sa kanyang buhay.

Ikinagalit ni VP Sara ang umano’y political persecution na nararanasan ngayon ng Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ng administrasyong Marcos sa kabila ng pagiging kaalyado nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden