Home NATIONWIDE Coin deposit machines ng BSP nakakolekta ng P1.082B

Coin deposit machines ng BSP nakakolekta ng P1.082B

MANILA, Philippines – Sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nakakolekta na ito ng P1.082 bilyong halaga ng mga coin sa pamamagitan ng coin deposit machines (CoDM) nito.

Sa social media post nitong Lunes, Nobyembre 25, sinabi ng BSP na hanggang noong Nobyembre 15, nakakolekta ang CoDMs ng mahigit 280 milyong piraso ng mga coin mula sa mahigit 255,000 transaksyon.

Ang coin deposit machines ay inilunsad noong Hunyo 20, 2023 na layong bigyan ng maginhawang paraan ang mga customer na maideposit ang kanilang mga barya at mailipat sa GCash o Maya e-wallet accounts, o kaya ay maiconvert sa shopping vouchers.

Sinusuportahan ng coin deposit machines ang Coin Recirculation Program ng BSP para maibalik sa sirkulasyon ang mga itinagong coins. RNT/JGC