Home NATIONWIDE Bong Go, umayuda sa mga biktima ng sunog sa Bacoor City

Bong Go, umayuda sa mga biktima ng sunog sa Bacoor City

146
0

MANILA, Philippines – Dahil sa mapanirang sunog na nagdulot ng malaking pinsala sa maraming residente sa Bacoor City, Cavite, si Senator Christopher “Bong” Go na adopted son ng CALABARZON, ay agad namahagi ng tulong sa mga nasunugan.

Personal na pinangunahan ni Go ang relief effort sa halos isang libong apektadong pamilya sa lungsod.

Nakipagtulungan kay Mayor Strike Revilla at iba pang lokal na opisyal, binisita at sinuri ni Go ang sitwasyon ng 932 pamilya.

“Pasalamatan natin si Senator Bong Go. Nagpapasalamat ako kay Senator Go at sa lahat ng tumutulong at napakaraming tulong pa ang paparating sa inyo. Ang importante ay bumangon muna tayo sa pagkakadapa ngayon,” ang sabi ni Mayor Revilla.

Namigay ng mga food packs, lalagyan ng tubig, pagkain, bitamina, maska, at kamiseta, tiniyak ni Go sa mga biktima na hindi sila nag-iisa sa kanilang sitwasyon. Nakatanggap din ang ilan ng basketball, volleyball, sapatos, mobile phone, bisikleta, at relo.

“Alam ko po ang hirap na pinagdadaanan ninyo ngayon dahil sa sunog. Huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Ang importante, sama-sama tayo sa pagbangon,” sabi ni Go.

Patuloy na binibigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng pagpapabuti at katatagan ng bansa sa kalamidad. Binanggit niya na ang Bureau of Fire Protection ay kasalukuyang sumasailalim sa isang modernization program na layong pahusayin ang kakayahan at kahandaan nito sa pagtugon sa mga insidente ng sunog.

Ang Republic Act No. 11589, mas kilala bilang BFP Modernization Act of 2021, ay pangunahing iniakda at co-sponsored ni Go sa Senado.

Inulit din niya ang kanyang adbokasiya para sa pagpapasa ng Senate Bill No. 188 na layong itatag ang Department of Disaster Resilience (DDR). Ang departamentong ito ay magpapabilis sa paghahanda, pagtugon, at pagrekober sa sakuna upang matiyak ang mas magkakaugnay na diskarte sa mga krisis.

“Hindi lang po tayo dapat tutok sa relief, kundi dapat handa na tayo bago pa man dumating ang kalamidad. Dapat nating patuloy na pagbutihin ang mga mekanismo — mula sa koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya at LGUs, ang preposisyon ng mga kalakal para sa tulong, paglikas, mga rescue effort hanggang sa muling pagtatayo, pagrekober, at pagpapanumbalik sa normal — upang higit pang maprotektahan ang mga buhay,” paliwanag ni Go.

Sa pamamagitan ng DDR aniya, ang mga proactive na hakbang at mahusay na pamamahala ng resources ay makababawas sa epekto ng mga sakuna sa mahihinang komunidad.

Samantala, muling hinikayat ng senador ang publiko na bisitahin ang mga Malasakit Center sa bansa, kabilang ang malapit sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires City at Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor City.

Mula nang ilunsad, mayroon na ngayong 166 Malasakit Centers na naitatag sa buong bansa at mahigit sa 12 milyong Pilipino na ang natutulungan nito sa ngayon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here