Manila, Philippines- Tahimik na nakabalik ng Pilipinas si Queen of All Media Kris Aquino. Although prior to her arrival ay umingay na sa socmed ang pag -alis nya ng USA papuntang Pilipinas.
Wednesday nang gabi sa US ay spotted na si Kris, ang kanyang bunsong anak na si Bimby at ang medical team ng actress/TV host sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles, USA.
May ilang pictures nila ang naka-post sa X (dating Twitter) kung saan makikita si Kris sa loob ng eroplano na may katabing lalaki.
Malaking palaisipan tuloy sa netizens kung da who ang lalaking katabi ni Kris sa eroplano. Duda nila sa lalaking katabi ni Kris sa eroplano ay ang nabalitang bagong boyfriend na doktor ni Kris.
Kunsabagay, inmin ni Kris during her last interview na may bago na siyang boyfriend after ng on-and-off relationship nila ni Batanagas Vice-Governor Mark Leviste.
Pahayag ni Kris sa vlog ni Ogie Diaz, “He’s a doctor, and I think that’s part of the reason why it was easy.
“Kasi alam niya kung ano’ng pinagdadaanan ko. He’s part of the reason why I’m confident na pwede akong umuwi kasi alam ko there’s someone who will help in taking care of me.”