Paano kung nabubuhay pa si Dr. José Rizal ngayon, ano ang sasabihin mo sa kanya?
Sa pagdiriwang ng Rizal Day sa Disyembre 30, magsasanib-pwersa ang kasaysayan at teknolohiya upang sagutin ang tanong na ito.
Isipin mo na magkaroon ka ng pagkakataong makausap ang ating pambansang bayani, si Dr. José Rizal. Ano kaya ang masasabi niya tungkol sa pagiging makabayan, sa edukasyon, at sa kalagayan ng ating bayan ngayon? Ano ang itatanong mo sa kanya? Ano pa kayang mga karunungan ang maaaring niyang ibahagi sa atin?
Salamat sa makabagong teknolohiya mula sa CreatiVoices Labs, dahil hindi mo na kailangang mag-imagine pa.
Ipinapakilala ang Conversations With Rizal—isang rebolusyonaryong plataporma na pinatatakbo ng makabagong Artificial Intelligence kung saan maaari kang makipag-usap nang real-time sa isang virtual na Rizal.
Ang kakaibang karanasang ito ay naging posible sa tulong ng AI Voices Technology na binuo ni The VoiceMaster, Pocholo De Leon Gonzales.
Bilang kauna-unahan at nag-iisang AI voice company sa Pilipinas, lumikha ang CreatiVoices Labs ng isang paraan para muling madiskubre ng mga Pilipino ang mga ideya ni Rizal sa isang makabago at interactive na paraan.
Sa pamamagitan ng Conversations With Rizal, maririnig mo ang kanyang boses, maaari mo siyang tanungin, at makakakuha ka ng inspirasyon mula sa isang bayani na ang mga isinulat ay nagpasiklab ng rebolusyon at patuloy na humuhubog sa pagkakakilanlan ng ating bayan.
Maging Bahagi ng Kasaysayan
Simulan na ngayon ang iyong Conversation with Rizal sa www.askrizal.org.
Ang natatanging platapormang ito ay ilulunsad kasabay ng Rizal Day, na nag-aalok ng pagkakataong magmuni-muni sa kanyang pamana habang sinasaliksik kung paano nananatiling makabuluhan ang kanyang mga ideya sa mabilis na nagbabagong mundo.
Sa pakikipag-usap kay Rizal ay maaaring:
Mapaghusay ang Pagiging Makabayan: Magpahayag ng inspirasyon mula sa kanyang wagas na pagmamahal sa mga Pilipino.
Matuto ng Walang Hanggang Aral: Tuklasin kung paano nananatiling mahalaga ang kanyang mga ideya sa edukasyon, pagkakapantay-pantay, at reporma.
Lumikha ng Pagbabago: Alamin kung paano mo maisasabuhay ang mga prinsipyo ni Rizal upang makatulong sa iyong komunidad.
Ipagdiwang ang Rizal Day nang mas makabuluhan
Gunitain ang Rizal Day na higit pa sa paglingon sa nakaraan—gawin itong isang pagkakataon upang umabante gamit ang inspirasyon at karunungan ng ating pambansang bayani. Ang Conversations With Rizal ay hindi lamang isang teknolohiya; ito’y isang tulay sa nakaraan na nagbibigay-daan sa atin upang lumikha ng mas maayos na kinabukasan.
Ang makabagong inisyatibong ito ng CreatiVoices Labs ay nagsisigurong mananatiling buhay ang diwa, tinig, at mensahe ni Rizal, na nagpapaalala sa bawat Pilipino na nasa atin ang potensyal para sa kagitingan.
Ano ang itatanong mo kay Rizal? Simulan ang pakikipag-usap ngayon sa www.askrizal.org.