Home METRO 2 college studes nalunod sa ilog

2 college studes nalunod sa ilog

PINUKPUK, Kalinga- Nalunod ang dalawang college students mula Cagayan sa isang ilog sa Sitio Buntoc, Barangay Aciga, sa bayang ito sa Kalinga nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng mga pulis ang mga biktima na sina Renz Cherlxon T. Mangulad, 20, at Mark Denver Bunagan, 18.

Batay sa imbestigasyon, bumisita ang mga biktima sa isang tourist attraction sa lugar kasama ang iba pang mga indibidwal.

Naglangoy ang mga biktima sa ilog subalit nang pabalik na sila, tinangay sila ng malakas na agos ng tubig at nalunod. Tinangka silang tulungan ng kanilang mga kasamahan subalit hindi sila nailigtas dahil sa lakas ng tubig dulot ng pag-ulan.

Humingi sila ng tulong sa mga residente na natagpuan ang mga biktima. Dinala sila sa ospital subalit idineklarang patay.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga pulis. RNT/SA