Home NATIONWIDE “Boss of all bosses” ng illegal POGO nasa Singapore – PAOCC

“Boss of all bosses” ng illegal POGO nasa Singapore – PAOCC

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Martes na nasa Hong Kong na si Huang Zhiyang, ang sinasabing “boss of all bosses” ng mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sinabi ni PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz sa pagdinig sa Senate Committee on Women ,Children,Family Relations and Gender Equality na nagtago sa ibang bansa ang iba pang dayuhang nauugnay sa POGO na umano’y tumulong sa pagpapaalis kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Kabilang dito sina Duanren Wu at Zhang Jie na nasa Indonesia at Singapore, ayon kay Cruz. Tungkol sa kinaroroonan ni Wesley Guo, ang diumano’y kapatid ni Alice Guo, sinabi ng opisyal ng PAOOC na biniberipika pa nila kung nasa Hong Kong ito.

Nang tanungin ng Senado kung na-link si Wesley Kay Huang Zhyang sa special administrative region (SAR) ng China, sinabi ni Cruz na sinusubukang i-validate ang impormasyon sa presensya ni Wesley Guo sa Hong Kong.

Samantala, sinabi rin ni Cassandra Li Ong— ang authorized representative ng Lucky South 99 POGO firm—-nanwalang siyang idea kung ang kanyang “boyfriend” na si Wesley ay nakipagkita kay Huang Zhiyang dahil Hindu niya alam kung nasa Ngayon si Wesley.

Itinanggi rin ni Ong na kilala niya ang isang Xiao Long na nauugnay sa Lucky South 99 at Whirlwind Corporation.

Ang Whirlwind Corporation ay ang kumpanyang nagpaupa ng ari-arian nito sa bayan ng Porac sa Pampanga sa POGO hub ng Lucky South 99.

Ayon naman kay PAOCC spokesperson Winston John Casio, na ang isang kinasuhan na si Xiao Long ay isa sa subject ng person of interest sa Lucky South 99 na sinundan at nahuli at nakasuhanbsa Lapu-Lapu.

Nasa 150 dayuhan, kabilang ang mga indibidwal na pinaniniwalaang bahagi ng POGO hub na ni-raid sa Pampanga para sa mga napaulat na ilegal na aktibidad, ay naunang natagpuan ng mga awtoridad sa isang pribadong compound sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Sinabi ng mga awtoridad na ang mga dayuhan ay mula sa China, Indonesia at Myanmar. Natagpuan ang mga ito matapos i-alerto ng mga Indonesian na tumakas mula sa compound ang kanilang embahada sa Pilipinas na siya namang nagsumbong sa mga lokal na awtoridad. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)