Home ENTERTAINMENT Boss Toyo, aminadong pinagpantasyahan si Diana!

Boss Toyo, aminadong pinagpantasyahan si Diana!

Manila, Philippines – Naging guest sa Unang Hirit ang negosyanteng si Boss Toyo.

Sumalang ang content creator din sa interbyu nina Arnold Clavio at Shaira Diaz kung saan ibinida niya ang ilan sa mga items na nabili niya mula sa mga artista tulad nina Nora Aunor at Marian Rivera.

Nakakatihang itanong ni Igan (Arnold) kung magkano bibilhin ni Boss Toyo ang mga costume na isinuot nina Karylle at Diana Zubiri bilang mga Sang’gre sa 2005 GMA series na Encantadia kung sakali.

Na-display kasi ang mga naturang costume sa lobby ng GMA Network na nakasuot sa mannequin.

‘Yung kay Karylle daw bilang Alena’y puwede niyang bilhin ng P300k.

Pero pagdating sa dating sexy actress na si Diana bilang Danaya ay kaya raw bilhin ni Boss Toyo ito ng P500k.

May paliwanag ang businessman kung bakit mas mahal ang kay Diana.

Aniya, idol na idol daw niya noon si Diana.

Pero ang mas nakakawindang na rebelasyon ni Boss Toyo ay: “Tumangkad ako dahil kay Diana!”

Obyus na hindi nasakyan ni Shaira ang pilyong joke ni Boss Toyo, samantalang natawa’t naaliw na lang si Arnold.

Kunsabagay, marami naman talagang mga kalalakihan noon ang nabighani sa ganda’t kaseksihan ni Diana.

Pero tanging si Boss Toyo lang ang may lakas ng loob na umaming ikinatangkad niya ang paghanga sa former sexy actress.

Sa ngayon ay naka-base na si Diana sa Australia kasama ang asawa’t anak.

Umuwi lang siya sa Pilipinas nang lumahok ang mga kapwa niya Sang’gre sa taunang timpalak sa It’s Showtime among its hosts.

Pero binawi naman ni Arnold ang kanyang sinabi na for sale ang mga costume nina Karylle at Diana. Ronnie Carrasco III