Home ENTERTAINMENT Diwata at Hiwaga, nagkita na!

Diwata at Hiwaga, nagkita na!

Manila, Philippines – A few days ago ay nagsamang muli sina Rosmar Tan at Deo “Diwata” Balbuena sa isang event.

Sa last part nito, after ipakilala ang lahat ng influencers na tutulong makilala ang isang brand ay sinabi ni Rosmar na may surprise ulit siya kay Diwata at naglabas ng isang box.

Akala ng lahat ay mamahaling oven ito o freezer kaya nagulat ang crowd sa Metrotent Convention Center dahil ang isinasabong kay Diwata na may paresan din na si Hiwaga ang laman nito.

“Nilapitan po ako ng brand. Sabi nila, ‘ilalagay ka namin sa box.’

“Sabi ko, ah okay lang po. Akala ko gagawin akong ice cream, yun pala sa stage. Ang sarap sa pakiramdam. Thank you…thank you talaga,” bulalas ni Hiwaga sa aming exclusive interview.

Ang Mayonaisse at ang Agsunta ang ilan sa band na nagpasaya sa gabi with their hugot songs samantalang ang iba pang kilalang influencers na naroon ay sina Boss Toyo, Sachzna Laparan, Laine Bernardo, Ava Mendez of Vivamax, atbp. Trixie Dauz