Home METRO P6.8M shabu nasamsam

P6.8M shabu nasamsam

PANGLAO, Bohol- ARESTADO ang isang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng aabot sa P6.8 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad noong Martes sa bayang ito.

Nadakip ng pinagsamang operasyon ng Municipal Drug Enforcement Team at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA 7) ang 39-anyos na suspek na hindi pinangalanan.

Ayon kay si P/Capt, John Khalev Diel Sanchez, hepe ng Panglao Municipal Police Station, bandang 9:30 PM ng madakip ang suspek sa Purok 4, Brgy. Lourdes, ng nasabing bayan.

Nakuha sa suspek ang higit 1 kilo ng shabu at aabot sa halagang P6.8 milyon.

Nakakulong ngayon sa lock-up facility ng Panglao Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico