Manila, Philippines – Sa unang pagkakataon ay na-meet namin ang sikat na Pinoy Pawnstar host at vlogger na si Boss Toyo, na ang tunay na pangalan ay Jayson Luzadas.
Nag-caroling ang ilang officers and members ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa mismong pawnshop ni Boss Toyo sa Anonas, Quezon City.
Kasabay nito ay nakilala rin namin doon ang partner ni Boss Toyo na si Jhoy.
Hindi lang pala pawnshop ang business ngayon ni Boss Toyo. Meron na rin pala siyang sariling TV network, ang D8 TV.
Dream pala ni Boss Toyo ang magkaroon ng sarili niyang TV network. Kaya naman isa ito sa pinagsikapan niyang maisakatuparan.
Ka-level na ni Boss Toyo si Gabby Lopez ng ABSCBN and we heard from a reliable source, bilyonaryo na rin daw ang sikat na businessman.
Ang D8TV ay binili ni Boss Toyo para sa mga kasama niya sa vlogging community.
Mga content daw ng mga kilalang content creators sa YouTube ang maglalabas ng kani-kanilang programa sa D8TV. Julie Bonifacio