MANILA, Philippines – Nabahiran ng karahasan ang halalan noong Mayo 12, 2025 sa Dasmariñas Village matapos na masangkot si John Arenas, isang presidential appointee at kasalukuyang Presidente ng PNOC Renewables Corporation (PNOC-RC), sa ilang insidente ng pananakit at pagmumura sa kapwa residente.
Sa mga video na kumalat online, makikitang pisikal at berbal na inatake ni Arenas ang isang rehistradong election poll watcher ng Commission on Elections (COMELEC) at pinagsalitaan ng masama ang isang babaeng residente na miyembro rin ng Dasmariñas Village Association (DVA) board.






