MANILA, Philippines – Umarangkada na ang botohan sa National Press Club (NPC) ngayong araw, Mayo 3.
Bago nito, nagsagawa muna ng General Assembly ganap na alas-9 ng umaga ang mga opisyal ng NPC bilang “Ulat sa Bayan.”
Naging masaya ang pagsisimula ng botohan kasabay ng mga dumadagundong na tambol.
Punong-puno rin ng mga makukulay na tarpaulin ng mga kandidato at kanya-kanyang mga souvenirs at pakain sa mga botanteng miyembro.







