MANILA, Philippines – Maayos na pagboto ang naitala sa Pasay City West High School sa pagbubukas ng 2025 national and local elections (NLE).
Nagsimula nang ganap na ika-7 ng umaga ang 2025 National and Local Elections (NLE) sa Pasay City West High School, isa sa pinakamalaking polling center sa lungsod.
Maayos na nakaboto ang mga Persons With Disability (PWD), senior citizens, at mga buntis na pinayagang mauna simula alas-5:00 ng umaga.
May inilaang special lane ang Comelec para sa kanila sa unang palapag ng paaralan upang maging mas maginhawa ang kanilang pagboto.
Wala ring naging aberya sa hanay ng mga first-time voters, dahil may nakatalagang voter assistance desk mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) upang tumulong at sumagot sa kanilang mga katanungan.
Samantala, ang mga dati nang rehistradong botante ay diretso na sa kani-kanilang mga presinto upang bumoto.
Kapansin-pansin naman na may ilang tagasuporta ng mga kandidato ang pasimpleng namimigay ng sample ballots at polyetos sa labas ng paaralan. Dave Baluyot