Home NATIONWIDE Paggamit ng cellphone bilang kodigo sa pagboto, bawal – PCCRV

Paggamit ng cellphone bilang kodigo sa pagboto, bawal – PCCRV

MANILA, Philippines – Ipinagbabawal ang paggamit ng mobile phone bilang kodigo o gabay sa pagboto dahil maaari rin umano itong gamitin pangkuha ng larawan o video, ayon sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) nitong Lunes, Mayo 12.

“Ang dami nagsasabi na dala nila ang kanilang phones at pwede nila ilabas at tingnan bilang kodigo habang sila ay bumoboto. Hindi dapat ginagawa ito kasi your phone can used as a camera at hiding hindi allowed ang camera habang bumoboto,” sinabi ni PPCRV spokesperson Ana Singson sa press briefing

“Once one person brings a phone, everybody else will do that at mahihirapan na ang mga EBs at volunteers na bantayan para hindi kunan ang mga balota,” dagdag pa niya.

Nauna nang hinimok ng PPCRV ang mga botante na isulat nila ang pangalan ng mga kandidatong kanilang iboboto sa papel.

“Mabilis tayong makakaboto kasi hindi na roon sa araw na iyon na mag-iisip pa tayo ng atin pong mga ibuboto, mapa-nasyonal man po iyan o mapa-lokal,” ani PPCRV national coordinator Arwin Serrano. RNT/JGC