MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Comelec Chairman George Garcia na walang karapatan ang poll watcher na mag-assist o mag-shade ng balota ng mga botante.
Ang pahayag ni Garcia ay kasunod ng kumalat na video kung saan makikita ang dalawang watcher na nagsi-shade ng balota ng isang senior citizen.
Giit ni Garcia, walang awtoridad ang mga watchers na maging assistor ng polling precinct at tanging electoral members lamang ang may karapatan dito.
Ayon kay Garcia, agad ding pinaalis ng local Comelec ang dalawang watchers sa presinto.
Sinabi ni Garcia na kapag may ginawang irregularity sa loob ng polling precinct sa mismong araw ng halalan ay maituturing itong election offense.
“Yung magrerepresent na pwede kang– mag authorize ka na mag-shade ng balota, ‘yan po ay bawal- therefore one to six years imprisonment yan,” ani Garcia.
Ayon pa kay Garcia, wala silang ligtas dahil nakita silang naka-ID. Jocelyn Tabangcura-Domenden