Home NATIONWIDE Comelec naglabas ng pamantayan sa pagpapalawig ng voting hours

Comelec naglabas ng pamantayan sa pagpapalawig ng voting hours

MANILA, Philippines – Naglabas ng pamantayan sa pagpapalawig ng voting hours ang Commission on Elections sa Datu Odin Sinsuat matapos ang limang oras na pagkabalam.

Paglilinaw ni Atty. John Rex Laudiangco, ang tagapagsalita ng Comelec, nasa kapangyarihan ng Comelec ang pagdedeklara ng extension of voting hours, ngunit gagawin lamang aniya ito kung kinakailangan.

Una aniya gagawin ay ang pag-assess sa dami ng mga bumoto;

Ikalawa ay kung mayroon pang botanteng nakapila sa loob ng 30 meter radius na dapat pabotohin hanggang makatapos anumang oras.

Ikatlo, kung pagkatapos ng lahat ng ito ay mayroon pang malaking bahagi na humahabol bumoto at hindi pa nakakaboto.

Ang mga kasagutan sa mga tanong na iyan ayon kay Laudiangco ang makapagdidikta kung dapat pang palawigin ang oras ng botohan sa isang lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden