Home NATIONWIDE 2 arestado sa vote buying sa MaynilaNATIONWIDETOP STORIES 2 arestado sa vote buying sa MaynilaMay 12, 2025 18:23 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang katao sa umano’y alegasyon ng vote buying sa isang paaralan sa UN Avenue, Ermita, Maynila.Sa ulat ng MPD, lumapit ang isang Atty. Ma. Jessica Guevarra y Amurao, 34, at residente ng Quezon City dahil sa umano’y vote buying.Ayon sa naturang abugado, lumapit ang dalawang suspek sa isang grupo ng mga botante, at inalok nito na iboto ng straight ang team Bagatsing.Nangyari ito sa loob mismo ng Manuel Araullo High School na sakop ng Barangay 660, pasado alas-9:55 ng umaga kanina.Agad lumapit si Atty. Amurao sa School Principal at sa Department of Education Supervisor Officer (DESO) para magpaalalay.Hindi naglaon ay nadakip sina Christopher Orpiada at Kevin Medado na kapwa residente ng Ermita, Maynila.Nahaharap sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code ang mga suspek at nakatakdang iharap sa Manila Prosecutors Office. Jocelyn Tabangcura-Domenden